
Author: patrick2023
HINDI ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi maideliver ng CAPEX (Cargo Padala Express) ang mga balikbayan box na hawak nito. Hawak kasi ng CAPEX hanggang ngayon ang nasa mahigit na 200 na balikbayan box na pinadala ng WMC mula sa UAE. Pinapalabas ng may-ari ng WMC na isang Indian national na nagngangalang Raz fad na itinakbo daw ng mga empleyado nyang Filipino ang perang pambayad nya sa cargo na dumating dito sa bansa. Matapos mailabas sa Bureau of Customs ang container ng WMC sa pamamagitan ng deconsolidator nito na FGTI ay ipinasa naman nito sa iba’t ibang cargo…
